COVID Diaries #3: Bakit ang hirap magkaisa?

Habang tumatagal tong sitwasyon na to parang lalong lumalala. Madami ng tao ang nagagalit kasi mabagal naman talaga ang gobyerno maghatid ng tulong lalo na don sa mas nangangailangan talaga. Ang hindi ko maintindihan is ung part na kung bat sa pagkakataon na to andami pa ding nagsisiraan at nagtuturuan kung sino ba talaga ang mali? Gets ko naman na anlaki talaga nitong issue na to at marami talagang mapapahamak kung hindi pa agad aaksyon ang gobyerno. Pero sana sumunod muna ung mga tao kesa ung panay ang hanap ng butas. Diba sa basic problem solving skills na tinuturo sa atin pag nasa work na tayo, focus on the solution first? Resolution muna tas saka natin balikan kung saan tayo nagkamali at wag na nating ulitin. Naiirita ako don sa naga-#OUSTDuterte. Kung iyon ung feel nila go, sige lang. Pero pwedeng after na nito? Wag muna kayo magpatrend niya. I think madami naman ng frustrated na din. Pero sana ung pagtulong muna sa kapwa unahin natin. I don’t think may malaking maitutulong pag nagpalit tayo ng Pangulo. Dadagdag lang sa magulo ng sitwasyon.

Isa pa iyong kung makapagpost e akala mo anlaki ng utang ng gobyerno sa kanila. Unang-una, hindi iisang town lang ung ina-address. Napakaraming Pilipino at aminado naman siguro tayo na madami rin ang pasaway. Hindi lang ung mga nasa baba na natatanaw natin. Marami pa talagang iba. Mga kapitbahay lang namin dito kahit quarantine na nakukuha pa ding magtipon tipon paminsan minsan sa kalsada o maginom sa mga garahe nila tas makikita ko nakapila naman para sa ibibigay na pagkain sa kanila ng government. Ano yon? May pang-inom pero walang pangkain?

Ang hirap kasi maging Pinoy minsan sa totoo lang kasi mas madalas, pakiramdam natin ang galing galing na natin. Mahilig tayong magkampihan kahit ang totoo lahat tayo hindi napapansin na may area na pwede nating pag-stayan ng walang kinakampihan. Maka-Pilipinas dapat. Di ko kasi magets ung sobrang bash agad kasi ayaw lang nila ung nakaupo. Lahat na lang mali. Wala na bang nagawang tama? At siya lang ba ung gumagawa ng mali?

Di ba parang sa classroom lang yan? Naalala ko nung high school pa lang ako tas ayaw namin talaga sa class president namin. Lagi kaming tumatakas pag cleaners na kami. Unfair yon sa iba diba? Maglilinis pa rin sila. Mababait sila e. Gagawin pa rin nila kasi alam nilang para sa rest of the class yon pero pagkatapos, isusumbong nila kami sa class president kasi kami ung mga pasaway. Hindi ba pwedeng sunod muna please? Tas after netong COVID-19 na to, sige kampihan na ulit.

Isa itong kalaban na ang hirap wagian kasi hindi natin nakikita. Hindi din natin kayang alagaan lahat ng impacted kasi nuon pa man kulang na tayo sa pasilidad. Sana.. sana naman magtulungan muna.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.